Richard Gomez concerned about "total disaster" in Ormoc City after Yolanda onslaught
Richard Gomez concerned about "total disaster" in Ormoc City after Yolanda onslaught
Mga panawagan para sa dasal, suporta, at paalaala para sa pagkakaisa ang ipinaabot ng ilang kilalang personalidad sa social networking sites ngayong panahon ng isa pang kalamidad.
Nanalasa sa bansa, partikular na sa Visayas, ang tinaguriang super-typhoonang Yolanda.
Dumapo sa Pilipinas si Yolanda noong November 8, Biyernes, at pininsala nito nang matindi ang Leyte, Cebu, at Samar, kung saan kumitil ito ng di pa nabibilang na buhay at nanira ng maraming tirahan, puno, at establisimyento.
Unang nakatawag-pansin sa social networking sites ang mga posts ng aktor na si Richard Gomez, na naglarawan ng kalunos-lunos na kalagayan ng Ormoc, ang hometown ng kanyang kabiyak na si Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez.
Sa tweet ni Goma ay inilahad niyang tunay na malubha ang tinamong pinsala ng Ormoc, lalo na coastal barangays nito.
Sinabi rin niyang ang municipality ng fourth district ng Leytena kinabibilangan ng Albuera, Merida, Isabel, at Palomponay "total disaster."
Pati raw ang bahay ng mga magulang ni Lucy ay nagtamo ng pinsala.
Ayon sa post ng aktor sa Twitter account niyang @1richardgomez1: "roof of our house & garage are gone & 4 cars hit & destroyed by debris. Roof of the house of lucy's parents r half gone and all glass windows."
See the original post:
Richard Gomez concerned about "total disaster" in Ormoc City after Yolanda onslaught