Celebrities express solidarity with victims of super-typhoon Yolanda via social networking sites

Celebrities express solidarity with victims of super-typhoon Yolanda via social networking sites

Karaniwan na ang pagpapaabot ng simpatiya ng mga artista sa panahon ng kalamidad sa pamamagitan ng kanilang accounts sa social networking sites, gaya ng Instagram, Twitter, at Facebook.

Sa panibagong sakuna na dumapo sa Pilipinas sanhi ng super-typhoon Yolanda noong November 8, Biyernes, dumagsa ang pakikisimpatya at pagpapaabot ng dasal ng mga kilalang personalidad sa showbiz sa kanilang social networking site accounts.

Ikinuwento ni Annabelle Rama sa kanyang Twitter account (@annabellerama2) na dapat ay may post-birthday celebration siya noong mismong araw ng bagyo, na handog sa kanya ng kanyang mga anak na sina Richard at Ruffa Gutierrez.

Pero nagdesisyon daw ang kanyang pamilya na huwag na lang magsaya, lalo pa't marami sa mga kababayan ni Annabelle sa Cebu ay apektado.

Si Annabelle ay tubong-Cebu.

Ipinaabot naman ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang pagdarasal sa mga nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng Twitter account niyang @sharon_cuneta12.

Samantala, simple lamang pero makahulugan ang post ni Vice Ganda (@vicegandako): "God bless the Philippines."

See more here:
Celebrities express solidarity with victims of super-typhoon Yolanda via social networking sites

Related Posts

Comments are closed.